Nag-iwan at nagpaalala si Acting Philippine National Police (PNP) Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa commanders ng PNP ng kaniyang mga mensahe ngayong 2026.
Ayon kay PNP Spokesperson at Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, sumentro ang mensahe ng hepe sa pagbibigay halaga ng pulisya sa integridad, pagpapalakas ng mga police operations at ang pagpapanatili ng disiplina sa trabaho.
Aniya, dapat ngayon taon mas magiging ramdam at nakikita ng publiko ang presensiya ng pulisya lalo na sa loob ng mga komunidad.
Binigyang diin din sa mensahe ang mga pokus ngayon ng PNP kung saan una na rito ang tamang paggamit ng resources ng pulisya, magmula sa mga tauhan hanggang sa mismong logistics at pinansyal na ugnayan nito.
Sa kabuuan, binigyang diin pa rin sa mensahe ang mahigpit na pagpapatupad ng zero tolerance para sa mga pulis na makakagawa ng pagkakamali habang nasa serbisyo.
Ang mga pagkakamali aniyang ito ay hindi kailanman kakatigan ng kanilang organisasyon at titiyaking pananagutin ang mga ito alinsunod sa mga umiiral na batas.
















