Iginiit ni Senator Christopher Bong Go na hindi siya natatakot sa anumang posibleng pag-aresto at patuloy siyang gaganap sa kanyang tungkulin sa Senado, sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa International Criminal Court o ICC.
Ito ay matapos siyang pormal na matukoy bilang isang co-perpetrator sa unang araw ng confirmation of charges hearing ng nasabing pandaigdigang hukuman laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa halip na direktang sagutin ang mga akusasyon sa nasabing pagdinig, pinili muna ng mambabatas na huwag maglabas ng pahayag ukol sa pag-usad ng kaso.
“Hintayin lang natin matapos this week. No comment muna ako,” ang naging direktang tugon ni Go sa kanyang panayam.
Samantala, mahigpit na pinaninindigan ng senador ang kanyang pagka inosente laban sa mga paratang na kinakaharap sa ICC, dahilan kaya’t normal umano itong magre-report sa kanyang trabaho bilang mambabatas nang walang anumang pangamba.















