-- Advertisements --

Pinawi ng International Criminal Court (ICC) ang pangamba ng mga apektadong komunidad at member state na baka hindi na magpapatuloy ang pagdinig sa kanilang kaso kasunod ng pagsibak kay prosecutor Karim Khan.

Tinanggal si Khan matapos na ito ay napatunayang guilty sa serious misconduct at breach of duty.

Ayon sa ICC na kanilang kinikilala ang desisyon ng Assembly of States Parties kung saan nagbotohan ang mga miyembro nito nitong Biyernes para sibakin si Khan.

Umabot sa 82 mga assembly sa 152 na miyembreo nito ang bumuto para tuluyang sibakin si Khan sa ginanap na secret ballot voting sa headquarters ng United Nations sa New York.

Dagdag pa ng ICC na magpapatuloy pa rin at hindi titigil ang mga kasong kanilang dinidinig.
Tatayo bilang pamalit kay Khan ang deputy prosecutors.

Mananatili naman sa puwesto sina Deputy Prosecutors Nazhat Shameem Khan at Mame Mandiaye Niang.

Magugunitang ang 56-anyos na si Khan ay umalis na sa kaniyang trabaho noon pang Mayo 2025 matapos na ilunsad ang imbestigasyon dahil sa alegasyon ng pananakit umano sa isang babaeng staff nito.