-- Advertisements --

Ipinadala ng Pilipinas ang 40 portable power generators upang makatulong sa mga komunidad na apektado ng patuloy na pag-atake sa energy infrastructure ng bansa.

Ang mga Daiden generator, na may kapasidad na tig-6 kilowatts, ay dumating sa isang hub ng Ministry of Energy ng Ukraine noong Agosto 12.

Gagamitin ang mga ito para sa mga sibilyan, kabilang ang backup power para sa mga pasilidad na mahalaga sa mga komunidad.

Nagsimula ang humanitarian initiative matapos ang naging meeting noong Pebrero nina Ukrainian Ambassador Yuliia Fediv at Senator Erwin Tulfo, na tumulong upang maisulong ang proyekto.

Ipinagkaloob naman ng Highball Traders Inc. ang mga generator. Ipinadala ang mga ito mula Pilipinas patungo sa Port of Gdansk sa Poland bago ihatid sa Ukraine sa pamamagitan ng rescEU Donations Scheme ng European Union Civil Protection Mechanism, sa tulong ng Poland’s Governmental Strategic Reserves Agency.

Inaasahang makatutulong ang mga generator na mapanatili ang kuryente sa mga mahahalagang pasilidad at mapalakas ang kakayahan ng mga komunidad na magpatuloy sa kanilang mga pangunahing serbisyo sa gitna ng mga pag-atake sa energy infrastructure ng Ukraine.