Inaasahang magpapatuloy si state auditor Xylene Del Campo sa audit trail ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) kaugnay ng paggamit ng P612.5 milyong confidential funds.
Ayon kay House prosecution spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., sasagutin ni Del Campo ang mga tanong hinggil sa mga sumunod na hakbang sa audit, kabilang ang notice of disallowance.
Nauna nang tumestigo si dating state auditor Roderick Wamil tungkol sa mga audit stage at dokumentong personal niyang hinawakan. Gayunman, nilimitahan niya ang kanyang testimonya sa mga pangyayaring naganap bago siya umalis sa Commission on Audit (COA).
Ayon kay Tolosa, hindi pag-uulit ng testimonya ni Wamil ang pagharap ni Del Campo dahil siya ang humalili sa mga sumunod na bahagi ng audit.
Inaasahang magbibigay si Del Campo ng sariling testimonya tungkol sa mga naging hakbang at rekord ng COA sa pagpapatuloy ng audit sa confidential funds.










