-- Advertisements --

Arestado ng Taguig City Police Office ang lahat ng 10 indibidwal na kabilang sa Top 10 Most Wanted Persons ng lungsod para sa buwan ng Hulyo.

Kabilang sa mga naaresto ang mga wanted sa mga kasong rape, statutory rape, acts of lasciviousness, child abuse, illegal drugs at falsification of public documents.

Isinagawa ang mga pag-aresto sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na intelligence gathering, surveillance at pagpapatupad ng mga warrant of arrest.

Samantala, sa magkakahiwalay na anti-drug operations, nakumpiska rin ng Taguig Police ang 201.39 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P1.37 milyon.

Kabilang dito ang P1.02 milyong halaga ng shabu na nasamsam mula sa isang high-value individual sa C6 Road.

Narekober din sa mga operasyon ang ilang baril at bala.

Ayon kay Taguig City Police Chief Col. Julius Anonuevo, malaking tulong sa kanilang peace and order efforts ang suporta ng pamahalaang lungsod sa ilalim ni Mayor Lani Cayetano.

Aniya, ipinapakita ng mga accomplishment na mas napapalakas ang public safety kapag nagtutulungan ang law enforcement at local government.