Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 200 indibidwal ang kinasuhan kaugnay ng karahasan sa anti-corruption rallies noong Setyembre 21.
Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga kaso ay may kinalaman sa paglabag sa Batas Pambansa 880, arson, physical injuries, at inciting to sedition. Ilan sa mga ito ay dinidinig na sa korte.
Sinabi ng CIDG na kabilang sa mga kinasuhan ay isang kongresista, isang retiradong mataas na heneral, at ilang negosyante, ngunit hindi muna pinangalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kinumpirma rin ng CIDG ang pagsasampa ng kaso laban kay Cavite Rep. Kiko Barzaga dahil sa inciting to sedition, kaugnay ng mga rally noong Setyembre 21 at Oktubre 12.
Una rito, sa mahigit 200 katao, kabilang ang 90 menor de edad, ang inaresto sa kaguluhan sa Ayala Bridge at Mendiola, kung saan dalawa ang nasawi na nagdulot ng panawagan mula sa human rights groups para sa mas mahigit na maximum tolerance mula sa kapulisan.















