-- Advertisements --

Inatasan na rin ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Melencio Nartatez Jr. ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para magbigay ng assistance sa ongoing investigation sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral.

Layon nito na maipa-subpoena ang mga personal na gamit ni Cabral gaya ng cellphone, laptop at iba pang mga devices ng dating opisyal.

Kasama din sa ipapatawag ay ang driver ni Cabral na kasalukuyan nang itinuturing na person of interest (POI) sa insidente bilang nakasaad sa protocol na kung sino ang kasama ng biktima sa loob ng 36 na oras ay otomatikong magiging POI.

Maliban dito, binigyan na rin ni Nartatez ang Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ng 36 na oras para tapusin ang kanilang imbestigasyon nang ma-release din bilang POI ang driver ni Cabral.

Samantala, nagbigay naman ng waiver ang asawa ni Cabral at hindi pinahintulutan ang pagsailalim ng bangkay sa autopsy examination.

Tiniyak naman ng PNP na gumagawa na sila ng mga legal na hakbang para masiguro na ang narekober na bangkay ay ang totoong katawan ni Cabral.