-- Advertisements --
Ibinahagi ng aktor na si Matteo Guidicelli ang aksidenteng nangyari sa kaniyang restaurant sa Molito Alabang.
Sa kaniyang social media account makikitang isang sasakyan ang dumiretso sa al fresco area ng kaniyang Da Gianni Cucina Italiana resto sa Westgate Molito ,Alabang nitong hapon ng Linggo, Pebrero 8.
Nagpapasalamat na lamang ito dahil sa walang nasugatan dahil bago mangyari ang aksidente ay nakaalist na ang mga bisita niya.
Tanging ang panlabas lamang ng resto ang nagtamo ng damyos habang ang interior ay intact at walang anumang nasira.
Nagpasalamat na lamang ang aktor sa Maykapal dahil sa walang nasaktan.
Pinasalamatan din nito ang mga fans na nagpahayag ng pangamba at pagdarasal.
















