-- Advertisements --
May suspek na ang mga otoridad ng Russia sa namaril kay Lt Gen Vladimir Alexeyev.
Kasama na dito ang suspek na Ukrainian-born Russian citizen na si Lyubomir Korba.
Ayon sa Russia’s Investigations Committee (SK) dumating si Korba noong Disyembre dahil sa may misyon ito mula sa Ukrainian intelligence service para gumawa ng terrrorist attack.
Magugunitang pinagbabaril ang bahay ni Alexeyev kung saan nagtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Dinala na sa pagamutan ang 64-anyos na si Alexeyev matapos ang insidente.
Si Alexeyev ay pangalawa sa mataas na opisyal ng Russian military intelligence na GRU.
















