BUTUAN CITY – Patuloy pa rin ang pamimigay ng mga personahe ng Department of Social Welfare and Development ng mga family food packs para sa mga residenteng nanunuluyan pa rin sa mga evacuation centers sa buong rehiyon dahil sa pananalasa ng bagyong Basyang.
Ayon kay Carlo Becera, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense-Caraga, umabot sa 197 na mga evacuation centers ang binuksan sa buong rehiyon na tinuluyan ng 6,576 na mga pamilya o katumbas ng 21,058 na mga indibidwal.
Sa initial reports na kanilang natanggap, nakaranas lamang ng street floodings ang rehiyon, may dalawang bahay naman ang totally damaged habang patuloy pang inantay ang official report mula sa Bayugan City Disaster Risk Reduction and Management Office na magkumpirma kung biktima ba talaga ng bagyo ang isang babaeng natangay ng tubig baha sa Andanan River.
















