-- Advertisements --
Dinala sa pagamutan matapos na maaksidente sa downhill competition ng Winter Olympics sa Italy si Lindsey Vonn.
Ang 41-anyos na American skier ay ginamitan ng helicopter para ito ay madala sa pagamutan.
Noong nakaraang linggo ay nagpasya itong sumalit sa Winter Olympics kahit na nagtamo na ito ng ruptured ligaments sa kaliwang tuhod.
Natapos ni Vonn ang dalawang training runs sa iconic na Olimpia delle Tofane pero ito ay nagtamo ng aksidente.
Dahil dito ay nagwagi si Breezy Johnson ng US sa nasabing kategorya sa isang minuto at 36.1 segundo.
















