Aminado ang Department of Justice na kanilang hindi pa rin matukoy ang tiyak na lokasyon ng puganteng si Cassandra Li Ong.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pang panibagong impormasyon hinggil rito.
Ito’y sa kabila at kahit pa pinatungan o naglaan ng 1-milyon piso pabuya ang kagawaran sa kung sino makapagbabahagi ng impormasyon sa kinaroroonan ni Ong.
Ani pa niya’y sa kasalukuyan ay wala pang lumalapit sa kanila para magbigay at magsabi kung saan nananatili si Cassandra Ong.
Magugunitang kinumpirma ng DOJ na mayroon ng ‘red notice’ sa International Criminal Police Organization o Interpol at pagkansela sa pasaporte nito.
Si Cassandra Li Ong ay kasalukuyang nahaharap sa kasong ‘qualified human trafficking’ may kaugnayan sa ilegal na operasyon ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operations sa Porac, Pampanga.
















