Bibisita sa Pilipinas ang pilgrim image of Our Lady of Guadalupe mula sa Mexico.
Ayon sa association of Catholic Shrines and Pilgrimages in the Philippines (ACSP), ang pagbisita ng imahe ay bilang pagsuporta sa pakikibahagi ng Pilipinas sa mga selebrasyong nakapaloob sa 2031 jubilee.
Unang sinimulan ang isang global devotional program para sa Our Lady of Guadalupe nitong 2025 at pinangalanan itong Novena Intercontinental Guadalupana, na magtatagal hanggang 2031.
Ang pagtungo ng Lady of Guadalupe sa bansa ay bahagi ng global devotion.
Sa kasalukuyan ay wala pang itinerary sa pagbisita ng imahe ngunit tinatayang mangyayari ito sa pagitan ng June at December 2026.
Bahagi rin ito ng naging aktibong partnership sa pagitan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at ng Mexican Bishops’ Conference.
Sa Pilipinas, isinasagawa ang kapistahan ng Our Lady of Guadalupe tuwing December 12.










