-- Advertisements --

Handang magsagawa ng imbestigasyon ang gobyerno sa umano’y patayan na may kinalaman sa iligal na droga sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na naging seryoso ang pangulo na hindi magiging madugo ang kaniyang kampanya sa iligal na droga.

Sakaling mayroong anumang ebidensiya na nagpapakitang mayroong insidente ng patayan ay agad silang mag-iimbestiga.

Magugunitang sinabi ni Atty. Nicholas Kaufman ang legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay imbestigahan din si Marcos dahil sa may nagaganap na patayan sa kampanya nito sa iligal na droga.