Naaresto ng mga kasapi ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang ikatlo sa 49 na indibidwal na nauugnay kina dating presidential spokesperson Harry Roque at Cassandra Ong sa kasong human trafficking.
Ang kanilang naaresto ay isang Chinese national mula sa Barangay Pulong Maba sa Porac, Pampanga
Ayon sa CIDG na ang suspek na kanilang naaresto ay isang administrative officer ng Lucky South 99.
Siya rin umano ang responsable sa pag-torture sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) .
Nahaharap ito sa kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 in relation to Qualified Trafficking in Persons na ang warrant ay inilabas ng Angeles City Regional Trial Court.
Magugunitang nagsimula ang pagtutugis ng CIDG noong Mayo 15, 2025 kung saan bumuo na sila ng tracker team para maaresto pa ang ilang mga suspek.
















