-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Major Joe Patrick Martines, tagapagsalita ng 4th Infantry Diamond Division, Philippine Army na 17 kasong murder ang kinakaharap sa mataas lider sa New People’s Army o NPA napatay sa sagupaan sa Sitio Tacocon, Kasapa II, bayan ng La Paz, Agusan del Sur.

Kinilala sa opisyal ang namatay na si Bonifacio Lutawan alyas Ka Tado, commanding officer ng Regional Operation Command sa North Central Mindanao Regional Committee at residente sa Malaybalay, Bukidnon.

Ayon kay Major Martinez na base sa kanilang pag-check sa background sa napatay na rebelde, may hinaharap itong 17 kasong murder simula pa noong 2022 kungsaan karamihan sa mga pinatay ay mga lumad na taga Agusan Del Sur at Bukidnon na hindi sumunod sa pamimilit na sumapi sa kilusan.

Kaugnay nito ay kinumpirma ni Major Martinez na malapit nang nagupo ang nasabing grupo kungsaan 27 na lamang ang kanilang hinahabol na rebelde sa bukidnon habang 20 naman sa Agusan Del Sur.

Una nang isinalaysay sa opisyal ang pangyayari na humantong sa pagkapatay sa mataas na lider sa NPA.

Ayon sa opisyal namimili ng pagkain ang nasabing grupo dahilan sa inilunsad na malaking operasyong militar sa unang linggo ng Pebrero ngunit hindi umalis ang grupo sa nasabing lugar hangga’t na-corner ang mga ito at napilitang iniwan ang bangkay kasama ang armas nito.