-- Advertisements --

Nagkasundo ang Pilipinas at Republic of South Korea na palalimin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Kasunod ito sa naging pulong kahapon nina Executive Secretary Ralph Recto at Korean Ambassador Lee Sang-Hwa.

Sa nasabing pulong tinalakay ang usapin para sa pagpapabuti ng ease of doing business at pag-akit ng mas maraming pamumuhunang Koreano sa bansa.

Siniguro ni ES Recto na aktibong tinutugunan ng pamahalaan ang mga alalahanin ng mga mamumuhunan upang gawing mas competetive at ligtas ang Pilipinas bilang investment destination.

Ipinahayag din ni Ambassador Lee ang suporta ng South Korea sa pagho-host ng Pilipinas ng mga pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong taon at binigyang-diin ang interes ng kanilang bansa na mapalakas ang ugnayan sa rehiyon.

Muling pinagtibay ng Pilipinas at South Korea ang kanilang pangako na paigtingin ang bilateral relation habang naghahanda sa ika-77 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa ngayong Marso.