Pansamantalang itinigil ng mga otoridad ang search and rescue operations sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ayon kay FSupt. Maria Leah Sajili, na mapanganib para sa rescuer na pumasok sa madilim na bahagi ng gusali kaya nagpasya silang itigil muna ang operasyon dakong alas-8:30 ng gabi.
Ipagpapatuloy nila ang nasabing search and rescue operations sa umaga ng Martes, Mayo 26.
Sa kasalulukuyan ay mayroong apat ang kumpirmadong nasawi, 17 ang hinahanap pa at 26 ang nailigtas.
Dumami pa ang mga bayan at rescue groups na nagbigay ng tulong para mapabilis ang paghahanap sa maaring mga survivors kung saan karamihan sa mga ito mga construction workers ng ginagawang gusali.
Magugunitang madaling araw nitong araw ng Linggo ng mangyari ang insidente kung saan isa sa mga itinuturong dahilan ay ang pagdaan ng malakas na pag-ulan.















