-- Advertisements --
Nananatiling malusog ang pangangatawa ni Pastor Apollo Quiboloy habang ito ay nasa piitan.
Ayon sa abogado nito na si Atty. Israelto Torreon, na nitong Biyernes ng dumalo si Quiboloy sa korte para sa pagdinig ng kaniyang kasong qualified trafficking.
Bagamat ang nag-testify sa hearing ay ang prosecution witness ay dumalo pa rin ng personal si Quiboloy.
Umaasa si Torreon na magiging maganda ang resulta ng kalabasan ng kaso nito.
Magugunitang noong Setyembre 2025 ng itinakbo sa pagamutan si Quiboloy dahil sa hirap itong makahinga.
Na-diagnosed ito ng Community Acquired Pneumonia kung saan humiling iot ng hospital arrest subalit ito ay tinanggihan ng korte.















