-- Advertisements --

Mahigpit na ipinag-utos ni Acting Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang kaniyang kapulisan na imbestigahan ang mga seryeng bomb threats sa mga paaralan.

Sinabi nito na mayroon na itong kautusan sa mga lokal police na paitingin ang kanilang mga presensya.

Base sa datos ng PNP na mayroong walong paaralan sa probinsiyang Iloilo ganun din sa Digos City, Davao del Sur ang nakatanggap ng bomb threats nitong Lunes.

Ang insidente rin ay naranasan sa University of the Philippines Diliman at Manila campus noong nakaraang linggo.