Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa umano’y foreign-funded destabilization efforts, partikular ang ikinasang rally sa EDSA.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, mahigpit ang koordinasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang alamin ang katotohanan sa likod ng mga ulat.
Sinabi ni Castro kung mapatutunayang banyaga ang nagpapondo sa mga aktibidad na ito, malinaw umano itong pagtataksil sa bayan.
Giit ni Castro na hindi nararapat na pinanghihimasukan ng ibang bansa ang panloob na usapin ng ating bansa.
Dagdag pa ng Palace Official kung pinakikialaman na ng ibang bansa ang isyu sa pulitika sa ating bansa hindi ito maganda.
Tiniyak din ng opisyal na nakaabanté ang AFP sa pagsusuri sa naturang usapin, alinsunod sa direktiba na tiyaking hindi masisira ang interes ng bansa.
















