Nakibahagi ang Pilipinas sa isinagawang Global Coalition for Social Justice Forum sa Doha, Qatar, kasama ang mga lider mula sa iba’t-ibang bansa.
Layon ng paglahok na ito na palakasin ang ambag nito sa pandaigdigang inisyatiba para sa makatarungang sahod, disenteng trabaho, at proteksyong panlipunan.
Kumatawan para sa DOLE si Undersecretary Warren Miclat sa pagdalo sa forum na pinangunahan ng UN at ILO.
Tinalakay ng delegasyon ang mga hakbang ng Pilipinas para sa family living wage, social protection, at paglikha ng disente at berdeng trabaho, at iprinisinta ang national roadmap para sa decent work at social protection.
Bilang paghahanda sa paghohost ng Pilipinas sa ASEAN 2026, isusulong ng DOLE ang katarungang panlipunan at katatagan ng labor market bilang pangunahing agenda.
















