-- Advertisements --

Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panuntunan sa tamang pasahod sa darating na Pebrero 17, 2026 na isang special non-working day dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa Labor advisory na pirmado ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, na ang sinumang empleyado na papasok sa nasabing araw ay mababayaran ng dagdag na 30 percent sa kaniyang basic na sa sahod sa unang walong oras.

Kapag lumagpas ng walong oras ay mayroong dagdag na 30 percent sa kada oras na ipinasok.

Habang kapag pinapasok ang isang empleyado na natiyempuhan sa araw ng pahinga nito ay mababayaran siya ng dagdag na 50 percent sa unang walong oras at kapag lumagpas ng walong oras ay madadagdagan pa ito ng 30 percent sa kada oras.

Habang ang empleyado na hindi pumasok ay maipapatupad ang “no-work-no-pay” policy.