-- Advertisements --
Nagbigay si US President Donald Trump ng hanggang 10 araw kung ano ang magiging desisyon nito sa Iran.
Sa ginawang pulong nito sa binuo niyang Board of Peace, na mahalaga na makipagkasundo sa kanila ang Iran.
Giit nito na kapag nakipagtigasan ang Iran na makipagkasundo ay hindi maiiwasang may mangyaring masama.
Magugunitang inihahanda na ng US military ang kanilang mga US warship malapit sa Iran kung saan anumang oras ay kanila itong aatakihin dahil sa pagmamatigas sa paggawa ng nuclear weapons.
















