-- Advertisements --

Matagumpay na naisagwa ang Chartering at Induction ng Bagong Bayani Hong Kong Sandigan Eagles Club at Lady Eagles Club sa ilalim ng Central Luzon Region 30.

Ang Sandigan Region ay kaanib ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.

Ang nasabing okasyon ay naganap noong Nobyembre 16, 2025 sa Western Sonata Restaurant-Rosedale Hotel Causeway Bay Hong Kong.

Ito ay pinamunoan at pinanumpa sila ng kanilang Secretary General at Past National President na si Eagle Flavio Saniel Jr. bilang Inducting Officer na kahalili ni Eagle Ronald Delos Santos-National President ng TFOE-PEI- EY 2025-2026.

Sinaksihan ito ni Eagle Regional Governor Alfie C Baligad na kasalukuyan Eagle Governor ng Sandigan Region- Eagle Mario De Guzman na siyang Chartered Club President ng Hong Kong Sandigan Eagles Club at Lady Club President Eagle Angilyn Movilla bilang Chartered President ng Hong Kong Sandigan Lady Eagles Club.

Labis naman na ikinatuwa ng mga bagong Chartered Members ng Sandigan Eagles Club mula sa Hong Kong dahil nagkaroon sila ng mga bagong Kuya at Ate sa Sandigan Region na matatawag nilang kapamilya na makakasama sa paggawa ng mabuti sa kapwa tao bilang adhikain ng Pinoy na Agila.

Matatandaan na ang The Fraternal Order of Eagles -Philippine Eagles ay naitatag noong June 1979 sa Pilipinas at lumawak sa ibat ibang panig ng mundo kasama ang Hong Kong na may layunin na maglingkod sa Sangkatauhan sa pamamagitan ng pinalakas at pinagbuklod na Kapatiran.