-- Advertisements --

Pinalalakas ng Bureau of the Treasury (BTr) ang pakikipagtulungan nito sa World Bank (WB) at International Monetary Fund (IMF) upang mapatatag ang pamamahala sa pananalapi ng Pilipinas at mapahusay ang pangangasiwa ng utang.

Sa isang pagpupulong, tinalakay ng BTr at ng World Bank ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng suporta ng WB sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga makabagong produktong pinansyal.

Ipinakita ng World Bank ang mga bagong flexible financing products na makatutulong sa pamahalaan upang mapabuti ang pamamahala ng utang, fiscal risk management, at cash operations.

Nakipagpulong din ang BTr sa mga opisyal ng IMF upang talakayin ang mga paraan kung paano mapapalakas ang kapasidad ng Pilipinas sa pamamahala ng utang, pagsusuri ng fiscal risks, at pagpapahusay ng cash operations ng gobyerno.

Ang patuloy na pakikipagtulungan ng BTr sa World Bank at IMF ay nagpapakita ng pagsisikap ng Pilipinas na magkaroon ng mas matatag na sistemang pampinansyal at mas maayos na ugnayan sa pandaigdigang ekonomiya.