-- Advertisements --

Nananatili ang Pilipinas bilang low income country kasunod ng inilabas na bagong data ng World bank sa gross national income (GNI) ng mga bansa noong 2024.

Kung saan kinapos ng $26 ang gross national income (GNI) per capital ng Pilipinas na nakapagtala lamang ng $4,470 noong 2024 mula sa $4,496 threshold na kailangan para makapasok sa upper middle income bracket.

Sa ilalim kasi ng classification ng WB, ang mga low middle income countries ay mayroong GNI per capital sa pagitan ng $1,136 at $4, 495 habang ang upper middle income naman ay nasa pagitan ng $4,496 at $13,845.

Ang gross national income ay sumusukat sa kabuuang economic output ng isang bansa kabilang ang halaga ng goods at mga serbisyong na-produce sa lokal kasama ang income na kinita sa ibang bansa gaya ng remittances at foreign investments.

Isa din itong mahalagang metric na ginagamit ng WB para maklasipika ang mga ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang income o kita.

Sa panig naman ng Palasyo Malacañang, nananatiling kumpiyansa ang Marcos administration na maaabot ang mithiin nito na makaangat sa upper middle income status.