Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na patuloy na magsisikap ang pamahalaan para mapa-angat ang kalidad ng buhay at trabaho ng bawat Pilipino.
Ito’y kasunod ng inilabas na ulat ng World Bank, kung saan nananatili ang Pilipinas bilang isang “lower middle-income country.”
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, na sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng bansa ang estado ng pagiging “upper middle-income country,” subalit gumanda na aniya ang estado ng ekonomiya ng bansa dahil gumanda na rin ang gross national income per capita ng Pilipinas mula noong nakaraang taon.
Sinabi ni Castro na pagbubutihin ng gobyerno ang iba pang nais ng pangulo para lalo pang lumago ang ekonomiya ng bansa at gumanda ang kondisyon ng ating mamamayan.
Inihayag ni Castro masigasig na nagta trabaho ang economic team para manatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Marcos administration.