-- Advertisements --

“ Not all wrong opinions deserve a response from the Palace. Iyon lang.”  

Tumangging mag komento ang Malacañang kaugnay sa naging banat at pahayag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na umano’y nasa ilalim na ng “de facto martial law” ang Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi lahat ng maling opinyon ay karapat-dapat pang sagutin ng Palasyo.

Ito’y kasunod ng paglabas ng video ni Leviste kung saan iginiit din nya na ang mga naglalantad umano ng korupsyon ang syang tinatarget ng administrasyon na makasuhan.

Paliwanag ng Malacañang, nananatiling bukas ang pamahalaan sa kritisismo, at patuloy rin anyang may mga indibidwal na hayagang bumabatikos at nagbibigay ng akusasyon laban sa Pangulo. 

Gayunpaman, nilinaw ni Castro na sa kabila ng mga natatanggap na kritisismo, hindi nagsasampa ng kaso ang Presidente laban sa kanyang mga kritiko.

Binigyang-diin din ng Palasyo na kung meron mang nakakasuhan dahil sa kanilang pananalita o kilos, ito ay dahil sa malinaw na paglabag sa umiiral na batas.