Kinumpirma ni Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) Secretary Arsensio Balisacan na patuloy umaangat ang per capita Gross National Income (GNI) ng bansa sa kabila ng mga hamong kinakaharap natin sa ating ekonomiya.
Ibig sabihin nito, ayon kay Balisacan na malapit na nating abutin ang World Bank’s upper middle income threshold na isa sa pinaka-aasam-asam ng gobyerno.
Sa budget briefing ng Department of Budget and Coordination Committee (DBCC) sa kamara, binigyang-diin ni Secetary Balisacan na dahil sa mga indikasyon hindi malayong makamit natin ang nasabing milestone sa ilalim ng Philippine Development Plan period
Inihayag din ni Balisacan na patuloy na mahaharap sa structural challenges ang agriculture industry na mahalagang matugunan nang sa gayon makabuo tayo ng mga dekalidad na trabaho.
Tinukoy din ni Balisacan ang isa pang hamon ay ang concentration ng economic activity dito sa Metro Manila, Calabarzon at sa Central Luzon.
Giit ng Kalihim ang pagkamit ng balanseng pag-unlad ay nangangailangan ng pag-iba-iba ng ating mga makina ng paglago sa buong bansa.
Naniniwala si Balisacan, para tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa, ang infrastructure development ang nananatiling cornerstone ng ating istratehya.
Ginawa ni Balisacan ang pahayag sa isinagawang budget briefings kung saan nagbigay ng kani-kanilang presentasyon ang mga miyembro ng DBCC na kinabibilangan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, Finance Secretary Ralph Recto at DBM Secretary Amenah Pangandaman.