-- Advertisements --

Pormal nang itinalaga si Ayatollah Alireza Arafi bilang miyembro ng temporary Leadership Council ng Iran kasunod ng pagkasawi ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei sa serye ng US-Israeli strikes.

Batay sa ulat ng state media, makakasama ni Arafi sina President Masoud Pezeshkian at Chief Justice Gholamhossein Mohseni Ejei upang pansamantalang gampanan ang mga tungkulin ng Supreme Leader habang hindi pa nakakapili ng kahalili ang Assembly of Experts.

Kaugnay nito, nagdeklara ang bansa ng 40-araw na pagluluksa. Magkakahalo naman ang naging reaksyon sa Tehran; marami ang nagluksa at sumigaw ng protesta laban sa Amerika at Israel, habang may naiulat din na palihim na pagdiriwang ng ilang residente.

Mariing kinondena ni President Pezeshkian ang pagpatay at tinawag itong declaration of war against Muslims.