-- Advertisements --

Kinumpirma ng Iran’s Revolutionary Guards na nasawi nitong Lunes ang kanilang intelligence chief matapos ang isinagawang airstrikes ng Estados Unidos at Israel.

Sa pahayag ng grupo, kinilala ang nasawing opisyal na si Major General Majid Khademi, pinuno ng Intelligence Organization ng Islamic Revolutionary Guard Corps.

Ayon sa grupo, si Khademi ay napaslang sa tinawag nilang kriminal at teroristang pag-atake ng “American-Zionist” na kalaban na naganap madaling araw ng Lunes, batay sa inilabas nilang mensahe sa isang messaging app (Telegram channel).

Ang Intel Chief ng Iran ang pinakabagong nasawi na mataas na opisyal ng Iran. Matatandaan, nauna ng napaslang sa parehong operasyon sina Ali Larijani, dating secretary ng Supreme National Security Council; Gholamreza Soleimani, commander ng Basij paramilitary forces at Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.