Naglabas ng matinding babala ang Islamic Revolutionary Guard Corps na maaaring maipit ang Amerika sa tinawag nilang “deadly vortex” sa Strait of Hormuz sakaling magkaroon umano ng maling paggalaw sa lugar.
“The enemy will become trapped in a deadly vortex in the Strait if it makes the wrong move,” saad ng Iran Revolutionary Guards sa post sa X (dating Twitter).
Ang babala ng Iran Revolutionary Guards, ay kasunod ng ulat tungkol sa iniutos na naval blockade ng Estados Unidos sa naturang daungan na isa sa pinakamahalagang ruta ng langis sa mundo.
Sa isang pahayag, sinabi ng naval command Guards na kanilang kontrolado ang Strait of Hormuz at armado rin daw ito ng kanilang pwersa.
Kasabay nito, iginiit ng grupo na sa kabila ng mga ”false claims” umano ng Amerika tungkol sa Strait of Hormuz, nananatiling bukas ang daungan para sa ligtas na pagdaan ng mga barko alinsunod sa umiiral na mga regulasyon ng Iran at iba pang bansa.
















