-- Advertisements --

Apektado pa rin ng Bagyong Basyang ang hindi bababa sa 467,000 na mga indibidwal mula yan sa Visayas at Mindanao batay sa pinakabagong datos ng Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD Spokesperson Junie Castillo, ang bilang na ito ay halos katumbas ng 132,000 mga pamilya mula sa 850 na mga barangay kung saan ilan din dito ang nananatili sa mga evacuation centers.

Maliban dito, nananatili naman sa 12 ang datos ng mga naitalang nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyo na siya naman sumasailalim pa sa beripikasyon sa tulong na rin ng kanilang dead and missing cluster.

Apat ang naitalang nasawi sa Cagayan de Oro dahil sa landslide, habang ang natira naman ay nsawi dahil sa pagkalunod bunsod ng matinding mga pagbaha.

Samantala, 445 na mga tahanan naman ang mga nasira dahil sa bagyo kung saan 38 ang totally damaged habang 407 naman ang mga partially damaged.

Patuloy naman na bineberipika ng OCD ang limang naitalang nasawi sa Iligan City.