-- Advertisements --

Nasa Bureau of the Treasury (BTr) na ang mga perang isinauli ng mga opisyal at kontraktor na nasangkot sa anomalya sa flood control projects.

Ayon sa ahensya, ito ay bahagi ng pondong nakuha mula sa mga kuwestiyonableng proyekto sa Bulacan at iba pang rehiyon.

Mula Nobyembre hanggang Disyembre, umabot na sa mahigit P221 milyon ang naibalik sa pamahalaan.

Kabilang sa nagsauli ng pera si dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara at ilang regional officials ng DPWH. Patuloy namang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang iba pang flood control projects na pinaghihinalaang “ghost projects.”

Sa Davao Occidental, may mga nakasuhan na ng graft at malversation kaugnay ng kontrobersyal na proyekto.

Ayon naman sa DOJ, ang pagsasauli ng pera ay hakbang para maibalik sa taumbayan ang pondong nawala dahil sa katiwalian.