-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang Filipina jazz singer na si Louie Reyes sa edad na 68.
Kinumpirma ng kaniyang asawang si Cesar Dela Fuente ang pagpanaw ng kaniyang asawa dahil sa ovarian cancer.
Naging bahagi siya sa iconic na vocal group noong 1970 na The New Minstrels.
Taong 1999 ng manirahan na sila sa US kung saan pinamunuan niya ang Fil-Am music community doon.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang sikat na singer at artist ganun din ang mga kaibigan ng namayapang singer.
















