-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang Taiwan sa nakatakdang pagkilkita nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
Itinakda kasi ngayong araw sa South Korea ang pulong nina Trump at Chinese President.
Isa sa mga maaring talakayin ay ang muling pagtitiyak ng China bahagi ng kanilang bansa ang Taiwan.
Sakaling magkaroon aniya ng kasunduan ay maaring mawalan o mabawasan ng suporta ang Taiwan mula sa US.
Magugunintang nagkaroon ng trade war ang US at China matapos na patawan ng 100 percent na taripa ng US ang mga produkto mula sa China.
















