-- Advertisements --

Naghain ngayong araw ang grupong League of Bangsamoro Organizations sa Kataas-taasang Hukuman upang kwestyunin ang pagkakatalaga sa pitong indibidwal maging bahagi ng Bangsamoro Transition Authority o B.T.A.

Partikular na inihain mismo ng naturang samahan ang ‘Petition for Certiorari and Mandamus’ sa Korte Suprema, lungsod ng Maynila.

Kapansin-pansin, kasabay ng kanilang paghahain ng petisyon ay ang mga kasamahan rin o kapwa muslim nagsagawa ng demonstrasyon.

Kalakip sa petisyon inihain ng grupo ay ang kahilingan na maideklrang ‘unconstitutional’ ang ‘7 appointees’ sa Bangsamoro Transition Authority.

Ayon kay Atty. Badrudin Mangindra, Legal Counsel ng mga Petitioners, mahalaga aniya ang naturang usapin lalo na para malinaw ang patungkol sa pagiging parte rito ng Moro Islamic Liberation Front o MILF

Hinaing ng grupo na dapat Moro Islamic Liberation Front ang mayorya sa parlyamento ngunit sa kasalakuyann ay hindi naabot ang hustong bilang.

Kaya naman hiling nila sa petisyon inihain na sila’y paburan ng mahistrado at pakinggan ang nais na maipadeklarang ‘unconstitutional’ ang mga naitalaga.

Maging sa ‘mandamus petition’ ay hiniling ng grupo na mapagbigyan para atasan ang pangulo na linawin o ituwid ang naturang isyu.

Paglilinaw naman ng grupo na ang paghahain nila ng petisyon ay hindi mula pampulitikal na interes kundi upang ipaglaban ang integridad ng Bangsamoro Transition,

Kung kaya’t ipinauubaya na lamang anila sa Kataas-taasang Hukuman ang bigyan kaliwanagan ang limitasyon sa ‘appointing power’ sa transitional government.