Tumanggi si Ghislaine Maxwell, na umano’y kasabwat ng yumaong convicted sex offender na si Jeffrey Epstein, na sagutin ang mga tanong ng US House Oversight Committee. Sa halip, ininvoke niya ang kanyang Fifth Amendment right laban sa self-incrimination.
Sa isang recording desposition mula sa Texas prison, paulit-ulit niyang sinabi: “I invoke my Fifth Amendment right to silence.”
Si Maxwell, 64, ay nagsisilbi ngayon ng 20-taong pagkakakulong matapos mahatulan sa kasong sex trafficking. Siya lamang ang nahatulan kaugnay sa mga krimen ni Jeffrey Epstein, na namatay sa New York jail noong 2019 habang naghihintay ng paglilitis.
Ayon sa kanyang abogado na si David Markus, handa si Maxwell na magsalita kung bibigyan siya ng clemency ni US President Donald Trump.
Bagamat may lumabas na milyon-milyong dokumento mula sa US Department of Justice (DOJ) kaugnay kay Epstein, wala umanong bagong kaso ang inihain.
Ang dokumento ay inilabas sa ilalim ng Epstein Files Transparency Act (EFTA) na pumipigil sa pag-redact ng records dahil lamang sa “embarrassment, reputational harm, or political sensitivity,” maliban na lamang kung protektado ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Ayon sa ilang miyembro ng Kongreso, may mga pangalan ng prominente at posibleng sangkot sa krimen na na-redact, kabilang ang negosyante na si Les Wexner, billionaire at may-ari ng Victoria’s Secret, na tinukoy bilang co-conspirator.
Una na rito nagpagdala na ang US House Oversight Committee ng subpoena kay Clinton at sa kanyang asawa, na si dating Secretary of State Hillary Clinton, upang magpaliwanag tungkol sa kanilang ugnayan kay Epstein.
Kaugnay nito hiniling ng mga Clinton na isapubliko ang kanilang mga testimonya upang maiwasan na mapolitika ng mga Republican.
Bukod dito si Trump, na dating malapit na kaibigan ni Epstein, ay hindi pa ipinatatawag ng kumite na pinamumunuan ng Republican.















