-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pagtaas sa P20 milyon na reward para sa pagtuturo sa kinaroroonan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Sinabi ni Remulla na kaya tinaasan nila ang reward ay para mapabilis ang patuloy na pagtugis kay Ang.

Manggagaling sa confidential funds na inilaan sa PNP at DILG ang nasabing reward.

Giit nito na dapat mapanagot si Ang dahil sa krimen na kaniyang ginawa.

Magugunitang nahahaharap si Ang sa kasong pagpatay sa mga nawawalang sabungero na pinabulaanan naman ng negosyante.