-- Advertisements --
Muling nagsagawa ang US military ng airstrike sa apat na bangka na may dalang iligal na droga sa Silangang bahagi ng Pacific Ocean.
Ayon kay US Secretary of Defense Pete Hegseth, na sa pinakahuling insidente ay mayroong 14 katao ang nasawi.
Ito ang unang pagkakataon na mayroong apat na bangka na magkakasabay na isinagawang military operations ng US.
Sinabi nito na nakipagtulungan sa kanilang ang mga Mexican authorities matapos makakuha ng impormasyon ukol sa pagdala ng iligal ng droga ng bangka.
Mula noong Setyembre ay mayroong 14 mga bangka na ang pinasabugan ng US military na nagdadala ng iligal na droga na ikinasawi ng 57 katao.
















