Pormal na nagtungo sa punong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City si 1PWD Party-list Representative JD Castro upang maghain ng complaint-referral laban sa mga host at producer ng podcast na “Machong Chismisan.”
Ang naturang hakbang ay kasunod ng mga hindi katanggap-tanggap at insensitibong pananalita ng programa na itinukoy kay Josh Aquino, ang panganay na anak ni Kris Aquino na nasa autism spectrum.
Inihayag ni Castro na ang kaniyang inihain na reklamo ay kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9442, ang batas na nag-aamyenda sa Magna Carta for Disabled Persons (Republic Act No. 7277).
Sa ilalim ng nasabing batas, itinuturing na parusa ng batas ang anumang uri ng panlalait, diskriminasyon, at paninirang-puri laban sa mga taong may kapansanan o persons with disability (PWD).
Ang sinumang mapapatunayang nagkasala sa unang pagkakataon ay maaaring patawan ng pyansa o multa mula P50,000 hanggang P100,000 at kaparusahang pagkabilanggo mula anim na buwan hanggang dalawang taon.














