-- Advertisements --

Mariing kinundina ng National Council on Disability Affairs, ang discriminatory remark sa episode ng ‘Machong Chismisan’ patungkol sa grupo ng mga may kapansanan.

Ayon pa sa kanila na ang paggawa ng content na ginagawang katatawanan at ang pag-apak sa dignidad ng mga may kapansanan ay harap-harapang pagpapakita ng diskriminasyon.

Nanawagan din ang National Council on Disability Affairs na maging sensitibo, irespeto ang mga PWDs, at maging responsable sa lahat ng digital platforms maging sa online engagements.

Sa deleted segment episode ng ‘Machong Chismisan’ podcast isinentro ng mga ito ang mga may kapansanan partikular na ang nasa Autism spectrum, at ginawan ng malisyoso at nakakainsultong komento. Ayon pa sa NCDA na kahit nabura na ang episode, ito ay nakababastos pa rin hindi at katanggap-tanggap sa kahit anong porma.

Dagdag pa ng kagawaran na ang mga taong may kapansanan ay may karapatan na mabigyan ng sapat na respeto, simpatya, at marapat lamang na unawain, at hindi dapat ginagawang tampulan ng tukso para gawing sentro ng entertainment at clout.

“Persons with disabilities must be treated with absolute respect, empathy, and understanding, not subjects of mockery for cheap entertainment and clout. Punch-down humor masked as freedom of expression serves to fuel and amplify the harmful stigma against those protected by disability rights,” ayon pa sa NCDA.

Binigyang diin din ng council ang Republic Act No. 7277, o mas kilala bilang Magna Carta for Persons with Disabilities, na ang bawat indibidwal ay marapat lamang na mabigyan ng kaprehong respeto at dignidad sa komunidad at maging sa digital spaces.