Binasag na ni Queen of All Media, Kris Aquino ang kanyang katahimikan patungkol sa kontrobersyal na komento ng grupong Machong Chismisan matapos ng mga itong gawing katatawanan ang kanyang anak na si Josh “Joshua” Aquino.
Sa kanyang instagram post, sinabi ni Kris na hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras para sa iresponsableng opinyon ng ibang tao.
“Many of you may have wondered why i gave no statement to what were irresponsible and uninformed opinions.”
Inihayag rin niya sa kanyang statement na hindi na siya maglalaan ng oras sa ganitong usapin at hahayaan na lamang na mawala ang isyu.
“A friend who i admire for his wisdom told me there are people i should learn not to give oxygen to, in other words ignore and the issue dies a natural death. By never stating their names, or my feelings, they didn’t get the word war from me they were expecting,” dagdag pa ni Kris.
Ibinahagi rin ni Kris kung paano naglaan ng oras ang kanyang mga anak na si Bimby at Joshua upang siya ay alagaan ng maayos noong siya ay may karamdaman pa.
“I haven’t felt the need to share with you what happens in our home. But to set the record straight, kuya is with me during our afternoon siesta, although mine stretches to 4 hours. When he sees Bimb going to his computer, kuya knows it’s his shift. And he loves to say: Mama your shoulder’s here. I sleep best with my head resting on Kuya’s shoulder and my arms wrapped around his left arm. It’s difficult because he can’t move but Monday to Friday kuya josh does his share to take care of his mama,” ani Kris.
Sa kanyang post nagpasalamat rin si Kris sa lahat ng kanyang mga naging doktor at nurse.
Samantala, hindi naman pinatahimik ng mga netizens maging ng mga malapit sa buhay ni Josh, Bimby, at Kris ang mga sangkot sa podcast na Machong Chismisan maging ang mga host nito.
Tinanggal na rin ng The Pod Network ang kontrata sa mga miyembro ng Machong Chismisan matapos ang kontrobersyal na episode matapos gawing katatawanan ang mga taong may kapansanan.
Sa deleted episode ng podcast, kinumpara ni Tito P, si Bimby sa kapatid nitong si Josh.
“Si Bimby sobrang okay na anak, si Josh walang kwenta eh.”
Samantala, sa isang Facebook post naman noong Miyerkules, nagpaliwanag si Tito P kaugnay sa nangyari sa podcast episode, sinabi rin nito na nakipag-usap na siya sa mga taong naapektuhan at nais rin niyang humingi ng tawad sa mga ito ng personal.














