-- Advertisements --

Opisyal nang nagbalik sa screen ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino bilang pinakabagong C.H.I.K.A. o Chief Head of Insights and Kontent Analysis para sa Netflix Philippines.

Ipinalabas ngayong araw, Agosto 7, ng streaming app ang teaser video ng upcoming show ni Kris sa isang Instagram reel.

Ito naman ang marka ng pagbabalik-showbiz ng Queen of All Media matapos ang ilang taong pahinga para sa pagpapagamot ng kaniyang autoimmune diseases.

Nakatakdang i-release ang episode 1 ng naturang show sa Agosto 7, episode 2 sa Agosto 14 at episode 3 sa Agosto 20.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa kanyang pagbabalik dahil sa wakas ay muling narinig ang kanyang “buhay na buhay” na enerhiya at kadaldalan na matagal nang namiss sa industriya.