Hindi isinasantabi ng state weather bureau ang pagpapatuloy ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng National Capital Region, sa kabila ng malayong lokasyon ng bagyong Bising.
Ayon kay National Capital Region Weather Services Chief, Lorenzo Moron, ito ay dulot ng mga localized thunderstorm na dala ng umiiral na habagat at tuloy-tuloy na nakaka-apekto sa malaking bahagi ng bansa.
Sa kasalukuyan aniya, bahagyang bumaba na ang volume ng tubig na bumabagsak sa NCR kumpara sa mga nakalipas na araw, lalo at hindi na rin naaapektuhan ng bagyong Bising ang capital region.
Sa kabila nito, nananatili aniya ang posibilidad na muling bubuhos ang mga pag-ulan sa MM bilang epekto ng umiiral na habagat. Maaari rin itong lalong lumakas kung magkaka-roon ng re-entry o muling babalik ang bagyong Bising sa PAR at palakasin pa lalo ang habagat.
Una nang binabantayan ng local authorities ang ilang bahagi ng Metro Manila bago pa man naging ganap na bagyo ang bagyong Bising, dahil sa sunod-sunod na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.
Kasama dio ang Marikina River na kalimitang nagpapabaha sa Marikina City, Pasig City, at CAMANAVA Area