Nasawi ang Armed Forces chief of staff na si Abdolrahim Mousavi, kasama ang ilang matataas ng opisyal ng militar matapos ang pag-atake ng United States at Israel kontra sa Iran.
Batay sa inilabas na listahan ng state TV, kabilang din umano sa mga nasawi sina Defense Minister Aziz Nasirzadeh, Revolutionary Guards chief, Mohammad Pakpour, at defense head Ali Shamkhani.
Ayon sa ulat, naganap ang mga strike habang isinasagawa “defense council meeting” laban sa pag-atake ng US at Israel.
Samantala, sa hiwalay na airstrike naman, nasawi din ang Police intelligence chief ng Iran na si Gholamreza Rezaian.
Kasunod nito, naglunsad ang Iran ng panibagong bugso ng missile at drone attacks na tumatarget sa mga military base ng US sa rehiyon at sa Israel kung saan isa umano itong hakbang bilang ganti sa mawalakang pag-atake ng dawalang bansa na ikinimatay umano ng kanilang supreme leader.
Kabilang sa mga tinarget ang 27 base ng US sa rehiyon, gayundin ang military headquarters ng Israel at isang defense industries complex sa Tel Aviv.















