-- Advertisements --

Nagbukas na ng floodgate ang dalawang dam sa Luzon, kasunod ng malawakang mga pag-ulan.

Batay sa ulat na inilabas ng state weather bureau ngayong araw (July 7), unang nagbukas ng tatlong gate ang Binga Dam at nagpakawala ng kabuuang 257.61 cms na tubig.

Kinalaunan, tuluyan ding isinara ang isang gate at sa ngayon ay tanging dalawang floodgate na lamang ang nakabukas at nagpapakawala ng kabuuang 114 cms.

Nagbukas din ng dalawang gate ang Ambuklao Dam at nagpakawala ng hanggang 156 cms.

Gayunpaman, tuluyan ding isinara ang isa nitong gate kaya’t tanging iisang floodgate na lamang ngayon ang nagpapakawal ng halos 50 cms ng tubig.

Batay sa ulat ng weather bureau, halos maabot na ng dalawang dam ang kani-kanilang normal high water level (NHWL).

Ngayong araw kasi ay nasa 751.40 ang lebel ng Ambuklao. Ito ay 60 centimeters lamang bago maabot ang NHWL na 752 meters.

Sa Binga Dam, natukoy ang antas ng tubig nito taas na 573. 45 meters, halos isa’t kalahating metro (1 1/5) meters lamang bago tuluyang maabot ang 575 NHWL nito.