-- Advertisements --

Nananatiling apektado ng tubig-baha ang ilang bahagi ng National Capital Region (NCR) dahil sa mga serye ng mabibigat na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.

Sa Biak na Bato, Quezon City, malaking bahagi nito ang hindi pa rin pwedeng matawid dahil sa malalim na naipong tubig-baha.

Naipon din ang tubig-baha sa malaking bahagi ng Maria Clara St sa Araneta, Brgy. Sto. Domingo, QC.

Habang sa lungsod ng Maynila ay may mga naipon ding tubig baha, tulad sa ilang bahagi ng kalsadang komukunekta ng Manila North Cemetery na unang nalubog sa tubig kagabi (July 7) dahil sa mabibigat na pag-ulan.

Ngayong araw, inaasahang apektado pa rin ng mga localized thunderstorm ang Manila na posibleng magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang mga lugar sa capital region.

Nasa ilalim din ng July-7 flood warning ang katabi nitong rehiyon na Central Luzon, dahil sa banta ng mabibigat na pag-ulan dulot ng umiiral na southwest monsoon.